Posts

Kagabi habang umiinom kami ay napag usapan ang ibat ibang klase ng inuming alak. Kung paano nagbabago ang panlasa natin habang nagbabago ang panahon. Marahil kung ikaw ay teenager noong dekada nobenta ay nalasing ka ng pinaghalong pale pilsen at gin at kalaunan dahil sa hidhid nating mga pinoy sa pait ng lasa ng alak ay naging redhorse-gin na. Tangna, kapag iniisip ko ay di ko maiwasang maduwal. Pero may sasarap pa ba sa gilbey's gin na may halong lime juice na talo pa ang pabango sa bango. Sa isang baso ay 3/4 ang gilbey's at 1/4 ang lime juice, na nauna kong natikman sa kanto ng P Urdaneta at Antipolo, Nuevo kasama ang mga kapwa member ng Agape Chorale (Ang nangungunang grupo ng choir noon sa OLGP). Gapang halos pag uwi ng Pque. Nahuli pa ng pulisya sa edsa at pinakanta ng LH dahil tumawid papuntang Loyola. Kaloka. Wala pa palang MRT noon halos. Ginagawa pa lang ata (DI AKO SURE) kaya pede pa tumawid. Diyan nga pala nag swerve ang car noon ng kaibigan sa hukay nang gin...